Ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 10 ang operasyon katuwang ang mga tauhan ng Camiguin Police Provincial Office, Lanao del Norte Police Provincial Office, at Iligan City Police.
Nadakip sa operasyon sina Michael Mapandi alyas Mahdi Lucas Mapandi at si Cosary Amintao Asis.
Nakumpiska sa kanila ang dalawang malaking plastic sachet ng shabu na may bigat na 300 gramo na aabot sa P1.8 million ang halaga.
Nakuha din sa kanila ang 1 piraso ng medium sachet na shabu na buy-bust evidence at P6,000 ang halaga.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
MOST READ
LATEST STORIES