Ang isang LPA ay huling namataan sa layong 115 kilometers east ng ng Laoag City.
Habang ang isa ay huling namataan ng PAGASA sa layong 1,930 kilometers east ng Southern Luzon.
Ang nasabing LPA ay papasok sa bansa sa Miyerkules.
Ayon sa PAGASA, lalakas ang nasabing LPA at magiging isang ganap na bagyo at maaring maapekto sa malaking bahagi ng Luzon.
Samantala, sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, apektado pa rin ng Habagat ang Luzon.
Makararanas ng monsoon rains ang Cordillera Administrative Region (CAR) at ang Central Luzon.
Habang kalat-kalat na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat ang mararanasan din sa Metro Manila, Calabarzon, Cagayan Valley Region at Ilocos Region dahil pa rin sa Habagat.
Magiging maaliwalas naman na ang panahon sa nalalabi pang bahagi ng bansa at makararanas lamang ng localized thunderstorms.