Angat Dam, magpapakawala ng tubig simula 8AM

angat-dam
FILE PHOTO

Nagpa-abiso na ang National Power Corporation (NPC) sa Provincial government ng Bulacan kaugnay sa gagawing pagpapakawala ng tubig ng Angat Dam mamaya.

Sa abiso ng NPC, bubuksan nila ang gate 2 ng Angat Dam at maglalabas ng 70 cubic meters per second na tubig.

Ito ay matapos magbabala ang PAGASA ng patuloy nap ag-ulan sa bahagi ng Angat Dam na dulot ng monsoon at easterlies.

Ayon sa Napocor, hindi naman magdudulot ng pagbaha ang nasabing pagpapakawala ng tubig sa mga bayan sa Bulacan.

Gayunman, inabisuhan pa rin ang publiko na nakatira sa palibot ng Angat River na maging handa.

Read more...