Bilang ng mga nadisgrasya ng paputok, mahigit 800 na

firecrackersMalaki ang naidagdag pa sa bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok nitong nagdaang holiday season dahil pumalo na sa 839 ang pinakahuling bilang na naitala ng Department of Health (DOH) as of 6am, araw ng Lunes.

Ngayong araw ng Martes, January 5, magtatapos ang 15-day monitoring ng DOH kaugnay sa mga firecracker related injuries.

Isang porsyento o 11 kaso na lang ang ibinaba nito kung ikukumpara sa bilang ng mga naitalang kaso noong 2015, ngunit inaasahang madaragdagan pa rin ang mga ito dahil ngayong araw pa lang ilalabas ng DOH ang kanilang comparative data.

Sa lahat ng mga naitalang insidente, sa kabutihang palad ay nananatiling isa lang ang naitalang namatay dahil sa paputok. Ito ang pedicab driver sa Sta. Mesa, Manila na niyakap ang paputok na sinindihan dahil sa kalasingan.

Mayroon na ring isang naitalang kaso ng pagkakalunok ng paputok, habang ang pito naman sa kabuuang bilang ng mga nasabing kaso ay dahil sa ligaw na bala.

Nananatili namang piccolo ang pangunahing nakabiktima sa mga naitalang kaso, na sinundan ng kwitis at iba pang paputok.

Sa Metro Manila rin naitala ang pinakamaraming kaso ng firecracker related injuries dahil sa 467 na naitalang kaso, na sinundan ng Region 6 o Western Cisayas na may 79 kasong naitala.

Naninindigan pa rin ang DOH sa pamumuno ni Health Sec. Janette Garin ang pagsusulong sa total ban sa mga paputok nagn sa gayon ay tuluyan na talagang maiwasan ang mga ganitong aksidente.

Read more...