LPA sa bahagi ng Silangang Luzon, magiging bagyo pagpasok sa PAR

Bago pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules, inaasahang maging isang ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng Pagasa.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang LPA 1,740 kilometers silangan ng Southern Luzon.

Malaki ang tsansa na maging bagyo ito sa susunod na 36 hanggang 48 oras at papangalanang “Marilyn.”

Bukod sa LPA na magiging bagyo, isa pang LPA ang namataan na nasa loob ng PAR.

Pero sinabi ng Pagasa na maliit ang tsansa na maging bagyo ito.

Ang naturang LPA ay namataan 580 kilometers northeast ng Basco, Batanes at inaasahang lalabas din ng PAR.

Sinabi naman ng Pagasa na ang nagpapalakas sa Habagat ay ang pangatlong LPA nasa nasa 405 kilometers ng extreme Northern Luzon.

Ang Habagat ang nagdadala ng katamtaman hanggang malakas na ulan sa Ilocos Region, Cordillera Region at Central Luzon at thunderstorm ang posibleng umiral sa Metro Manila, Cagayan Valley Region at Calabarzon.

 

Read more...