Timbog ang dalawang hinihinalang tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon City.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office National Capital Region officer-in-charge George Paul Alcovindas, nakilala ang mga suspek na sina Ali Salim, bente y otso anyos na Angkas driver, at kasamahan nitong si Alsamer Yusop, disinuwebe anyos.
Nahuli aniya ang dalawa matapos maka-transkasyon ang isang undercover ng PDEA agent.
Naaresto sina Salim at Yusop sa operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Regional Office sa Metro Manila ng PDEA at Quezon City Police District Drug Enforcement Unit (QCPD-DEU).
Ani Alcovindas, isinailalim ang dalawang suspek sa surveillance nang tatlong linggo.
Nakuha sa mga suspek ang isang plastic bag na naglalaman ng limampung gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000.
Masasampahan ang dalawa ng kasong paglabag sa Section 5 ng Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.