Irerekomenda ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kay Pangulong Rodrigo Duterte na putulin na ang cellular signal sa New Bilibid Prisons (NBP).
Pahayag ito ng palasyo matapos ibunyag sa Senate hearing sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law na nakagagamit pa rin ng internet ang ilang mga high profile inmate sa kulungan.
Ayon kay Panelo, simple lamang ang solusyon sa naturang problema kaya dapat aniyang sabihan ng pangulo ang operator ng Globe at Smart na putulin ang signal sa kulungan.
Inihalimbawa pa ni Panelo na nagpapatupad naman ng signal jamming ang telecom company kapag mayroong mga state visit o mga lider ng ibang bansa ang pumupunta sa Pilipinas.
“Oh eh ‘di all you need is to cut that off. Who will cut that off? Eh ‘di syempre, the operator ng Smart, ng Globe. Tapos. Ganoon lang kasimple ‘yun”, dagdag pa ni Panelo.