2 tax packages aaprubahan ng Kamara sa mga susunod na araw

Radyo Inquirer

Sa kabila ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng miyembro ng gabinete aaprubahan pa rin ngayong linggo ng Kamara ang dalawang tax packages ng gobyerno.

Ito ay ang mga panukalang Corporate Income Tax and Incentive Rationalization Act o. CITIRA na bahagi ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) at Passive Income and Financial Intermediary Taxation Reform Act (PIFITA) ay ilan lamang sa mga pagkukunan ng pera para sa pambansang pondo sa susunod na taon.

Sinabi ni House Ways and Means Committee chairman at Albay Rep. Joey Salceda, na ang panukalang PIFITA ay aaprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa ngayong araw habang ang CITIRA naman ay bukas ay sa ikatlo at pinal na rin pagbasa.

Ang PIFITA o House Bill 304 ay naglalayong ipaliwanag ang taxation ng financil sector para maging simple, patas, efficient at regionally competitive.

Nakalagay din dito ang Package 4 ng CTRP, pagre-review sa buwis na ipinapatupad ng financial intermediaries at mga produktong kanilang inaalok , pagdating sa savings at investments; debt at equity instruments.

Hiniling naman ni Salceda sa mga cabinet members na ayusin ang kanilang mga issue kay Pangulong Duterte kaugnay sa pagpasa ng CITIRA.

Ang pagpasa ng CITIRA ay noong nakaraang linggo pa nakabinbin sa plenaryo ng kamara matapos aprubahan sa committee level.

Read more...