5 bahay nasunog sa Brgy. Pulangbato, Cebu City

Natupok ang nasa limang bahay sa sunog na sumiklab sa Sitio Dati, Barangay Pulangbato sa Cebu City.

Naitala ang sunog dakong 7:37 linggo ng gabi at naapula bandang 9:10 ng gabi.

Ayon sa ulat, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Detencio Borbon at kumalat sa apat na katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

Sa pagtaya ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Cebu City aabot sa P80,000 ang halaga ng napinsala ng sunog.

Wala namang napaulat na nasugatan sa pangyayari.

Read more...