Babae patay nang barilin ng sariling partner sa Antipolo City


Patay ang isang babae makaraang barilin ng kanyang partner sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Isidro, Antipolo City.

Kinilala ang biktima na si Angela Shynne Villanueva, 24-anyos na nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan at nasawi habang ginagamot sa ospital.

Agad namang naaresto ang partner nito na nakilalang si Joel Tongco, 42-anyos.

Kwento ng kapitbahay ng biktima, bandang alas-2:30 linggo ng madaling araw ay narinig nila na nag-aaway ang dalawa na sinundan ng pag-alingawngaw ng putok ng baril.

Nakita rin si Tongco na buhat-buhat si Villanueva at sumakay ng tricycle para dalhin ito sa ospital.

Narecover sa crime scene ang basyo ng bala ng .38 caliber revolver.

Si Tongco ay nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ng pulisya.

Read more...