PNP hihingin ang tulong ng Interpol para tuntunin ang mga bilanggo na napalaya sa GCTA Law

Hihingin ng Philippine National Police (PNP) ang tulong ng International Criminal Police Organization (INTERPOL) para maibalik sa kulungan ang mga nahatulan sa karumal-dumal na krimen.

Ang nasabing mga convict ay kabilang sa nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Sa isang panayam, sinabi ni PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na makikipag-ugnayan sila sa Interpol para matulungan silang tuntunin ng mga ito lalo na yung nakalabas na ng Pilipinas.

Ayon kay Banac, mula noong 2014 ay nasa halos dalawang libo heinous crime convicts ang napalaya at maaaring nakalabas ng bansa ang ilan sa mga ito.

Mula linggo ng gabi (Sept. 8 ) may kabuuang 118 na ang sumuko sa otoridad.

Read more...