Age of retirement sa gobyerno nais tapyasan ni Sen. Win Gatchalian

Gusto ni Senator Sherwin Gatchalian na mabawasan ng limang taon ang optional and compulsory retirement ages sa mga kawani ng gobyerno.

Layon ng inihain niyang Senate Bill No. 738 na ang optional retirement age na 60 ay maging 55 samantalang ang compulsory retirement age ay bumaba sa 60 mula sa 65.

Katuwiran ni Gatchalian kapag maagang nakapagretiro ay mapapakinabangan nila ang mga nakuhang benepisyo sa kanilang maagang pagreretiro.

Dagdag pa ng senador magkakaroon pa din sila na makapag trabaho o magkaroon ng negosyo sa gayon ay may sarili pa rin silang pera.

Naniniwala din si Gatchalian na makakatulong ang kanyang panukala sa isyu ng unemployment sa bansa.

Kapag nakalusot aamyendahan ng panukalang batas ang Government Service Insurance Act of 1997.

Read more...