Water level ng Angat dam nasa 183.68 meters na

Nadagdagan ng bahagya sa nakalipas na 24 na oras.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Lunes, Sept. 9 ay nasa 183.68 meters ang water level ng dam.

Bahagya itong tumaas kumpara sa 183.57 meters na water level nito kahapon.

Nadagdagan din ang water level ng Ipo dam na ngayon ay nasa 100.96 meters.

Habang nabawasan naman ang water level ng La Mesa dam na nasa 77.32 meters.

Ang antas ng tubig sa Ambuklao, Binga, at Magat dams ay pawang nabawasan din.

At nadagdagan naman ang water level sa San Roque, Pantabangan at Magat dams.

Read more...