Mataas na opisyal ng PhilHealth sa NCR, handa na sa lifestyle check

Nagpahayag na rin ng kahandaan na sumalang sa lifestle check ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC ang isang mataas na opisyal ng PhilHealth.

Ayon kay PACC spokesman, Commissioner Manuelito Luna, lumapit na sa PACC ang hindi pinangalanang opisyal kaugnay sa pagnanais na maisailalim siya sa lifestyle check.

Sinabi ni Luna na ngayong linggo ay inaasahan nilang babalik sa tanggapan ng PACC ang kasalukuyang PhilHealth official na nakatalaga sa NCR na hindi niya tinukoy.

Sa pagbalik aniya ng nasabing opisyal, umaasa sila na dala ng nasabing opisyal ang kanyang SALNs, mga kaakibat na dokumento gaya ng land titles, bank account, registration ng mga sasakyan at iba pang properties.

Una na rin pumayag na sumalang sa lifestyle check sina dating PHIC Acting President & Board Member Dr. Celestina Dela Cerna, dating PhilHealth President and Board Member Dr. Roy Benedicto Ferrer, Board Member Dr. Roberto Salvador at si Acting Senior Vice-President Arlan Granali ng Region 8.

Read more...