Truck na may lulang concrete culvert tumagilid sa Cloverleaf malapit sa EDSA

Nagdulot ng pagpapabagal sa daloy ng traffic ang aksidenteng kinasangkutan ng isang truck na may kargang mga concrete culvert sa Cloverleaf malapit sa EDSA.

Tumagilid ang truck na may plakang ABB 5405 sa Cloverleaf kanto ng A. Bonifacio paakyat ng EDSA southbound.

Ayon sa mga rumespondeng traffic enforcer sa lugar, ang truck ay galing sa NLEX.

Nasa leftmost lane ito ng Cloverleaf at patungo sa EDSA nang mawalan ng kontrol ang driver hanggang tuluyang tumagilid ang truck.

Ang mga laman nitong concrete culvert ay bumagsak sa kalsada at nasira.

Nabarahan ang naturang linya ng kalsada at pansamantalang hindi nadaanan ng mga motorista.

Read more...