Natyempuhan ang tatlong bangka habang nagsasagawa ng seaborne patrol ang Maritime Law Enforcement Team ng Coast Guard Station Masbate, Search Operation Unit at Coast Guard Sub-Station Milagros.
Ang tatlong bangkang pangisda ay kinabibilangan ng “Baby Yanz 1”, “Baby Yanz2” at “Kate Ciane”.
Natuklasang gumagamit ang mga ito ng fine mesh net na mayroong tom weight o kilala sa tawag na “zipper”.
Ayon sa coast guard paglabag ito sa Philippine Fisheries Code of 1998.
Wala ring karampatang dokumento para mag-operate ang nasabing mga bangka.
Dinala na sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Masbate ang mga nakumpiskang bangka at mga dinakip na crew nito.