Most wanted person ng Metro Manila timbog sa Tarlac

Courtesy of Marikina City Police

Naaresto ang itinuturing na most wanted criminal ng Metro Manila sa Tarlac City nitong Sabado.

Ayon sa ulat ng Eastern Police District araw ng Linggo, nakilala ang suspek na si Art Cris Viloria, 24 anyos.

Si Viloria ang lider ng notoryus na Art Cris Viloria Criminal Group.

Ang grupo ni Viloria ay sangkot sa kalakalan ng iligal na droga at mga kaso ng pagnanakaw sa Marikina City at mga katabing-lungsod.

Sa ngayon ay nakakulong ang suspek sa Marikina City Police Station Custodial Facility at nahaharap sa mga kasong paglabaga sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, usurpation of authority at robbery.

Read more...