Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 11 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Jose Abad Santos.
May lalim ang pagyanig na 33 kilometro at tectonic ang dahilan.
Naitala ang Intensity IV sa Glan, Alabel at Malapatan, Sarangani.
Intensity III naman sa Kiamba at Malungon, Sarangani; General Santos City; Tupi, South Cotabato.
Habang Intensity II sa Sta. Cruz, Davao Del Sur; Davao City; at Koronadal City.
Nakapagtala rin ng instrumental intensities sa iba pang lugar.
Hindi nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES