Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ito ay bunga ng pinirmahang joint communique kasama ang ilang opisyal sa Yukon.
Inatasan ng kalihim si Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia para mapabilis ang deployment ng mga matatanggap na aplikante.
Aabot sa P80,000 hanggang P100,000 ang posibleng maging sweldo ng mga manggagawa.
Maaaring mag-apply sa mga bakanteng posisyon tulad ng heavy equipment operator, nurse, cook, chef, engineer, caregiver, call center agent at iba pa.
Sa mga interesadong aplikante, dapat magaling sa salitang English, may nakuhang job degree, training, at physically at mentally fit.
Ani Bello, nakausap niya ang ilang Pinoy sa nasabing bansa at dito niya personal na nalaman na masaya at masagana ang kanilang pamumuhay sa Canada.
Protektado at respetado rin aniya ang mga Pinoy sa lugar dahil wala silang natatanggap na anumang uri ng reklamo.