Public panel interview sa mga aplikante na papalit bilang SC Chief Justice, itinakda sa Oct. 2

Itinakda ng Judicial and Bar Council (JBC) ang public panel interview para sa mga aplikante na papalit sa pwesto bilang Punong Mahistrado ng Korte Suprema.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng JBC na gagawin ang interview sa Divison Hearing Room sa Supreme Court Main Building sa Padre Faura, Maynila sa October 2, 2019.

Unang sasalang sa interview sina Associates Justices Diosdado Peralta at Jose Reyes Jr. mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Susunod naman sa interview sina Associate Justices Andres Reyes at Estela Perlas-Bernabe mula 2:00 hanggang 5:00 ng hapon.

Aabutin na ni SC Chief Justice Lucas Bersamin ang mandatory retirement age na 70 sa October 18, 2019.

Read more...