Ito ay para mabigyan ng P1,000 kada buwan ang mga senior citizen na hindi tumatanggap ng pension.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Pangilinan na dapat kilalanin ang mga naging kontribusyon ng mga senior citizen para sa pag-unlad ng bansa.
Sinabi ng senador na nasa mahigit tatlong milyong mahihirap na matatandang Filipino ang nakinabang sa naunang naipasang batas.
Ngunit, marami pa rin aniya ang hindi nakikinabang sa nasabing batas.
Iginiit din ni Pangilinan na hindi na sapat ang P500 para sa pang-araw-araw na gastuhin lalo na pagdating sa kanilang medikasyon.
Sinabayan pa aniya ito ng tumaas pang halaga ng mga pangunahing bilihin na hindi na kayang suportahan ng totoong halaga ng social pension ngayon.