Ito ay matapos silang mapalaya sa bisa ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Sa inilabas na pahayag, malugod ang pagtanggap ni DILG Secretary Eduardo Año sa pagsunod ng mga convict sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte para magsagawa ng re-evaluation at recomputation sa kanilang GCTA.
Hinikayat naman ng kalihim ang iba pang convict na boluntaryo na ring sumuko sa mga otoridad.
Matatandaang binigyan ng pangulo ang mga convict sa mga karumal-dumal na krimen ng 15 araw para sumuko sa mga otoridad.
MOST READ
LATEST STORIES