Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Senadora Grace Poe, chairman ng Senate committee on public services, na kailangan ang lahat ng posibleng tulong para masolusyunan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa bansa.
Huwag na aniyang hayaan na mas marami pang oras ang gugulin ng mga Filipino sa kalsada kaysa sa trabaho at pamilya.
Isasagawa ng Senate committee on public services sa pangunguna ni Poe ang pagdinig sa Martes, September 10, bandang 10:00 ng umaga.
Inaasahan namang dadalo sa pagdinig sina Transportation Secretary Arthure Tugade, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Danilo Lim at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chair Martin Delgra III.
Posible ring makasama sa pagdinig ang mga lider ng ilang transport group.