Panelo sa mga suspek sa Maguindanao massacre case: “Sumurrender na kayo.”

“Sumurrender na kayo.”

Ito ang naging mensahe ng Palasyo ng Malakanyang sa 80 suspek sa Maguindanao massacre case na hanggang ngayon ay patuloy na nagtatago sa batas.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na subject ng warrant of arrest ang mga suspek.

Hindi na aniya kailangang utusan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis at sundalo na arestuhin ang iba pang mga suspek dahil alam na nila ang kanilang tungkulin.

Kabilang sa mga nagtatago ngayon si Datu Saudi Ampatuan Jr. na dating kliyente ni Panelo.

Read more...