Mehan Garden, nakatakdang buksan sa publiko

Inanunsiyo ni Mayor Isko Moreno ang pagbubukas ng Mehan Garden sa publiko sa Ermita, Maynila.

Ito ay matapos personal na magsagawa ng inspeksyon si Moreno sa nasabing parke malapit sa Universidad de Manila (UdM) noong araw ng Lunes, September 2.

Ayon sa alkalde, isinara ang parke dahil sa vandalism at mga natanggap na ulat kung saan may ilang tao na nakikipagtalik sa loob ng comfort room ng parke.

Sa pagbubukas nito, hinikayat ni Moreno ang publiko na iwasan na ang nasabing aktibidad sa parte.

Una namang bubuksan ang Mehan Garden sa mga estudyante ng UdM.

Read more...