Ilang biyahe patungong Japan, kanselado ngayong araw (Sept. 8)

Photo grab from Ninoy Aquino International Airport MIAA’s Facebook page

Kinansela ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), araw ng Linggo (September 8).

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), ito ay bunsod ng hindi magandang lagay ng panahon sa Japan.

Kanselado ang mga sumusunod na biyahe sa NAIA Terminal 2:

Philippine Airlines:
PR 432 na biyaheng Manila – Narita
PR 424 na biyahe Manila – Tokyo

Pinayuhan naman ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe.

Read more...