Paglilitis kina Sen. Enrile at Rep. Jaraula, itinakda na ng Sandiganbayan

Itinenrile-jaraulaakda na ng Sandiganbayan ang paglilitis kina Sen. Juan Ponce Enrile atna parehong dawit sa Janet Lim-Napoles pork barrel scam.

Ayon kay anti-graft court Third Division cler of court Atty. Dennis Pluma, sa January 13 na itinakda ang plunder trial para kay Enrile, at simula sa araw na iyon, magpapatuloy na ito kada Miyerkules, Huwebes at Biyernes hanggang July 17.

Ani Pluma, tatalakayin muna ng korte ang plunder trial ng aide ni Enrile na si Atty. Jessica Lucila “Gigi” Reyes at ang akusadong mastermind na si Napoles.

Dagdag pa niya, wala pang katiyakan ang kahihinatnan ng kasong plunder laban kay Enrile dahil sa nakabinbin pang apela ng Ombudsman sa pagkaloob ng Korte Suprema ng bail sa senador dahil umano sa humanitarian reasons.

Magsisimula naman na ang paglilitis kay Jaraula sa January 19, na tatagal hanggang October 25.

Inakusahan si Enrile na nagkamal umano ng P172.8 milyong halaga ng kickback mula kay Napoles.

Si Jaraula naman ay nahaharap sa mga kasong malversation, graft at direct bribery dahil sa pagkamal naman ng P50.5 milyong halaga ng kickback mula sa kaniyang pork barrel.

Samantala, nananatiling nakabinbin ang resolusyon hinggil sa bail hearing ni Sen. Jinggoy Estrada, habang si Sen. Bong Revilla Jr. naman haharap sa pretrial ng kaniyang plunder case sa February 4, habang ang sa kasong graft naman niya ay nakatakda pa sa March 7.

Read more...