Russia, nais maging tagapamagitan sa away ng Iran at Saudi Arabia

SaudiIranNagpahayag ng kahandaan ang bansang Russia na pumagitna sa Saudi Arabia at Iran para pagaanin ang lumalalang tensyon sa pagitan dalawang bansa.

Ito’y makaraang tuluyang putulin ng Saudi Arabia ang kaugnayan nito sa Iran matapos sunugin ng mga Iranian protesters ang kanilang embahada sa Tehran.

Ginawa ito ng mga nag-protesta bilang pagkondena sa pagbitay ng Saudi sa Shiite cleric na si Sheikh Nimr al-Nimr.

Kinumpirma ng isang Russian foreign ministry source ang kahandaan nilang maging tagapamagitan sa girian ng dalawang bansa.

Isa pang Russian diplomat naman ang bagsabi na handa silang pamunuan ang pag-uusap ng Saudi at Iranian foreign ministers na sina Adel Al-Jubeir at Mohammad Javad Zarif, sa pag-asang mapagaan ang tensyong namamagitan sa kanila.

Hindi naman direktang binanggit kung ano ang partikular na magiging role ng Moscow sa pag-aayos ng alitan na ito sa pagitan ng Saudi at Iran, na tumagal na ng halos limang taon.

Read more...