Habagat, magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon ngayong araw

Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa ilang bahagi ng Luzon dulot ng Southwest Moonsoon o hanging Habagat ngayong araw, September 8.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Gener Quitlong, weather forecaster ng Philippine Atmosphere Geophysical and Astronaut Services Administration (Pagasa), magiging maulan ang panahon sa Metro Manila, Central Luzon, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Cagayan Valley.

Makararanas naman ng maaliwas na panahon na may bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan at localized thunderstorms sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Paalala ng Pagasa na nakataas pa rin ang gale warning ang mga baybayin sa dulong bahagi ng hilagang luzon at kanlurang bahagi ng hilaga at gitnang luzon.

Tinatayang nasa tatlo hanggang apat na metro ang itataas ng alon sa mga karagatan na mapanganib para sa maliliit na sasakyang pandagat.

Magpapatuloy naman hanggang October ang hanging Habagat at inaasahang papasok ang hanging Amihan sa katapusan ng nasabing buwan.

Sa kasalukuyan, walang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngunit inaasahang papasok ang isang LPA sa susunod na linggo na posibleng maging bagyo.

Read more...