90% ng budget naipamahagi na sa mga ahensya ng gobyerno

2016 budget
Inquirer infographics

Naipamahagi na ng pamahalaan ang halos ay 90-percent ng budget ng iba’t ibang ahensya at sangay ng gobyerno para sa 2016 ngayong araw, ang unang working day ngayong taon.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Sec. Butch Abad, ang malaking improvement sa release ng budget ay bunga ng bago nilang policy na pagtrato sa General Appropriations Act bilang release document.

Dito ay kasama ang implementasyon ng nauna na nilang polisiya na magpapatupad sa mga ahensya ng gobyerno na pumasok sa mga pre-procurement activities na inaasahan nilang lalong magpapabilis sa government spending.

Dahil dito, matitiyak din aniya ang implementasyon ng halos lahat ng mga proyekto ng gobyerno bago magsimula ang election ban sa darating na March 25.

Inaasahan din nila na maipagpapatuloy nito ang growth momentum na natamo ng bansa noong huling quarter ng 2015 dahil mas bibilis ang procurement process para sa mga proyektong para imprastraktura.

Read more...