Oil companies magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo bukas ng umaga

gas
Inquirer file photo

Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo sa halaga ng produktong petrolyo ang ilang oil companies simula alas-sais ng umaga bukas January 5.

Sinabi ng Pilipinas Shell na 10-centavos ang kanilang idaragdag sa presyo ng Gasolina samantalang magpapatupad sila ng 15-centavos na rollback sa presyo ng Diesel at 25-centavos naman sa Kerosene o Gaas.

Ang PTT ay may dagdag na 10-centavos sa halaga ng Gasolina samantalang 15-centavos rollback naman sa presyo ng Diesel.

Nauna dito ay sinabi ng Petron na may dagdag sila sa presyo ng Gasolina na 10-centavos, rollback sa Diesel na 15-centavos at 25-centavos naman sa Kerosene.

Ang Phoenix Petroleum ay nagsabi rin na epektibo 6am bukas ay may kaltas silang 15-centavos sa halaga ng Diesel samantalang dagdag na 10-centavos naman sa presyo ng Gasolina.

Inaasahan ng mga industry insiders na susunod rin sa nasabing dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ang iba pang kumpanya ng langis bukas ng umaga.

Read more...