Bayan ng Casiguran, Aurora niyanig ng 3.3 magnitude na lindol ayon sa Phivolcs

Kinumpirma ng Phivolcs na hindi nagdulot ng pinsala ang nangyaring pagyanig sa bayan ng Casiguran, lalawigan ng Aurora, bandang alas-7:41, Sabado ng gabi, Sept. 7.

Base sa tala ng Phivolcs, may lakas na 3.3 magnitude ang nasabing lindol na may lalim na 6 kilometers at tectonic ang pinagmulan nito.

Walan naman naitalang mga intensity at nasaktan ang Phivolcs ng nasabing pagyanig.

Samantala, walang aftershocks na inaasahan kasunod ng lindol at hindi rin inaasahang magdudulot ng tsunami ang nasabing pagyanig sa nasabing lalawigan.

Read more...