Sen. Franklin Drilon inamin na isa siya sa mga senador na bumoto sa GCTA Law

Inamin ni Senator Franklin Drilon na isa siya sa mga bumoto para maging isang batas ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Subalit, aniya hindi niya inaasahan na magiging kontrobersyal ito.

Ayon kay Drilon, hindi rin niya inaasahan ang masamang implikasyon ng section 3 ng Republic Act 10592 o GCTA Law.

Nakasaad kasi sa section 3 ng nasabing batas na kwalipikado ng good conduct credit ang lahat ng nasentensiyahan at nakapiit sa kahat saang kulungan gaya ng penal institution, rehabilitation o detention center at kahit mga lokal na kulungan.

Pero, iginiit naman ni Drilon na malinaw na nakasaad sa Section 1 ng GCTA Law na hindi maaaring bigyan ng good conduct credit ang mga recidivists, habitual delinquents, escapees at ang mga bilanggo na hintatulan dahil sa karumaldumal na krimen o heinous crimes.

Sinabi ng senador na hindi titigil ang senado sa gingawang imbestogasyon kaugnay sa maanomaliyang pagpapatupad ng GCTA hanggat walang nanagot nito.

 

Read more...