Ilang bahagi ng Leyte niyanig 3.3 magnitude na lindol ayon sa Phivolcs

Niyaning ng lindol ang ilang bahagi ng lalawigan ng Leyte, araw ng Sabado, Sept. 7.

Nangyari ang unang pagyanig bandang alas-9:51 ng umaga sa Naval Biliran na may lakas na 3.1 magnitude, may lalim na 2.3 kilometers at tectonic ang pinag mulan nito.

Bandang ala-1:14 ng hapon, niyanig naman ang Burauen, Leyte na may lakas na 3.3 magnitude, 3 kilometers ang lalim nito ta tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Naramdaman ang Baybay City, Leyte ang Intesity II.

Naitala naman ang Intensity III sa Burauen at Albuera, Leyte.

Tiniyak ng Phivolcs na walang aftershocks na inaasahan kasunod ng lindol at hindi naman ng dulot ng pinsala at walang nasugatan o nasakatan ang nasabing pagyanig.

Wala namang inilabas na tsunami alert ang Phivolcs.

Read more...