P3.4 milyong halaga ng shabu nasamsam ng PDEA-NCR sa Taguig City

Nasamsam ang nagkakahalagang P3.4 milyong pesos na shabu matapos ang ikinasang buy-bust operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng National Capital Region (NCR), bandang alas-2:30, Sabado ng hapon, Sept. 7 sa Western Bicutan, Taguig City.

Target ng PDEA- NCR ang mga suspek na sina Zainab Mundas Pamansag, 27-anyos, isang OFW; Joel Samapayan Undong, 30-anyos, isang tricyle driver at Aiza Managili Abdul, 29-anyos.

Narekober sa mga suspek ang 10 pirasong plastic sachet na may kabuuang timbang na 500 gram na shabu, isang cellphone at buy-bust money.

Ayon kay PDEA-NCR Officer-in-charge na si Atty. George Paul Alcovindas, na kabilang ang mga suspek sa kanilang drug wacth list.

Nahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang apat sa drug suspek.

Read more...