Mrs. Chiong hindi natuwa sa mga papuri ni Pangulong Duterte kay Faeld

Hindi ikinatuwa ni Mrs. Thelma Chiong ang ina ng mga biktima ng panggagahasa at pinatay na sina Marijoy at Jacqueline Chiong ang mga papuri ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon.

Ayon kay Mrs. Chiong, hindi niya kayang marinig ang mga papuri ni Duterte kay Faeldon kaya umalis siya habang nagbibigay ng talumpati si Digong noong Biyernes (Sept. 6) sa ginawang groundbreaking ceremony para sa pagtatayo ng mga bahay sa mga biktima ng landslide noong nakaraan taon sa Barangay Inoburan, Naga City.

Aniya, hindi tama na bigyan pa ng papuri ng pangulo si Faeldon matapos nitong palayain ang mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law kahit hindi sila kwalipikado nito.

Sa kabila ng pagkadismaya ni Mrs. Chiong, nagpapasalamat pa rin ito dahil pinagutos na Duterte ang pagpapabalik sa kulungan ng nga pinalayang convicts.

Pahayag pa niya na nangako ang kaalyado ni Pangulong Duterte na si Senator Christopher “Bong” Go na ibabalik sa kulungan ang mga convicted person sa pagrape at pagpatay sa kanyang dalawang anak na babae.

Read more...