Ilang flight sa NAIA Terminal 4 at 2, kanselado dahil sa masamag lagay ng panahon ayon sa MIA

MIAA photo

Umabot ng dalawang flight ang kinansela sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Araw ng Sabado, Sept. 7.

Base sa tala ng Manila International Airport Authority (MIAA), unang nag kansela ng flight ang SKYJET sa NAIA terminla 4, pasado alas-6:00 umaga na may flight na M8 816 at 817 na biyaheng Manila-Basco-Manila.

Bandang alas-12:40 ng hapon naman, sumunod na nagkansela ay ang Philippine Airline sa NAIA Terminal 2 na may flight 2P 2196 at 2197 na biyaheng Manila-Laoag-Manila.

Ayon sa pamunuan ng MIAA, ang nasabing pagkansela ng mga flight sa NAIA terminal 4 at 2 ay dahil sa umiiral na masamang lagay ng panahon sa Basco Batanes at Laoag City, lalawigan n Ilocos Norte.

Read more...