Phoenix Petroleum nagpatupad ng bawas presyo sa produktong petrolyo simula ngayong Sabado

Epektibo na ngayong araw ng Sabado ang bawas presyo sa produktong petrolyo ng Phoenix Petroleum Philippines.

Sa anunsyo ng kompanya, magkakaroon ng P0.50 na tapyas presyo sa kada litro ng gasolina.

Ang presyo naman ng krudo ay mababawasan ng P0.10 sa bawat litro.

Ang price rollback ay naging epektibo simula kaninang alas-6:00 ng umaga.

Read more...