Kabilang sa mahigit 940 mga kagamitan ay ang 20 heavy weapons, pitong shoulder-fired RPG 7 launchers.
Makaraan ito ng mahigit sa anim na buwan matapos maratipika ang Bangsamoro Organic Law.
Ayon kay MILF chair Al Haj Murad, mahigit sa 1,060 mga miyembro ng naturang grupo ang magtutungo sa seremonyas na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ani Murad, bukod sa mga naunang ipipresinta sa pangulo may nasa 2,100 armas at mahigit 12,000 MILF ang susuko sa Mindanao hanggang April 2020.
Tatanggapin ni Turkish Ambassador Fatih Ulusoy, chair ng Independent Decommissiong Body, ang mga armas sa harap ng presidente.
Seselyohan naman ang mga nakurang baril at ilalagay sa mga container vans na mananatili sa mga Secured Areas Storage Area (SASA) sa Camp Abubakar na dating kampo ng MILF sa Barira, Maguindanao na narekober ng gobyerno noong 2000.