Bagyong ‘Liwayway’ pinalalakas ang Habagat; Northern Luzon, maulan ang panahon

John Carlos Cuadra | Contributed photo

Makararanas ng ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog sa hilag ang bahagi ng Luzon araw ng Sabado, Septermber 7.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), dulot ito ng Southwest Monsoon o hanging Habagat na pinakalakas ng bagyong Liwayway o ang international name na Lingling.

Maaapektuhan ang mga lugar sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Zambales and Bataan.

Magiging maganda naman ang panahon sa Metro Manila at natitirang bahagi bansa na magkakaroon ang maulap na kalangitan at localized thunderstorms bandang hapon.

Patuloy pa rin ang paglayo mula sa bansa ng bagyong Liwayway o Lingling na inaasahang tatama sa North Korea sa mga susunod na araw.

Binabantayan ng Pagasa ang dalawang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa silangan at kanlurang bahagi ng bansa.

Maliit naman ang tiyansa na maging bagyo ang LPA na maaaring malusaw din sa mga susunod na araw.

Read more...