North Carolina, binaha dahil sa Hurricane Dorian

Halos lumubog sa baha ang mga bahay na nakatayo sa Outer Banks ng North Carolina dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan na dala ng Hurricane Dorian, araw ng Biyernes, Sept. 6.

Base sa paunang ulat ng mga otoridad, hindi na nakalikas ang mga tao sa nasabing lugar dahil sa sobrang taas ng tubig dala ng pagbaha at karamihan sa mga residente ay nanatili sa bubungan ng kanilang mga bahay.

Gumamit na ng mga bangka at mga military vehicles, gaya ng helicopter, para sagipin ang mga nabiktima ng pagbaha, lalong lalo na ang mga nakatira sa Ocracoke Island.

Tumulong na rin ang Coats Guard sa nasabing lugar para ilikas at sagipin ang ibang tao na naiwan sa kanilang mga bahay.

Mahigit 350,000 na mga tao ang biktima ng Hurricane Dorian mula sa Carolina at Virgina, nawala na rin ng suplay ng kuryente ang nabangit na lugar.

Read more...