Gilas Pilipinas, nilampaso ng Tunisia sa classification game ng 2019 FIBA World Cup

Talo naman ang Gilas Pilipinas sa ginawang classification game ng 2019 FIBA World Cup.

Nagkaharap ang Gilas at ang koponan ng Africa na Tunisia, pasado alas-8:00, Sabado ng gabi, Sept. 6.

Sa score na 86-65, nilampaso ng Tunisia ang koponan ng Pilipinas at hindi na ito nakaporma hanggang sa last quarter ng laro.

Hindi naman itinanggi ni Gilas coach Yeng Guiao na hindi sila nakasabay sa ginawang depensa ng Tunisia.

Dahil dito, nabalewala ang 24 points ni Andray Blactche at ang 9 points ni Troy Rosario.

Ang Tunisia ay binubuo ng mga basketball champion sa Africa at isa sakanilang mga players na si Salah Mejri ay naglaro na sa NBA sa koponan ng Dallas Mavericks.

Read more...