Metro Manila at ilang lugar, uulanin pa rin

DOST PAGASA photo

Makararanas pa rin ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon, Biyernes ng gabi.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA ng 9:20 ng gabi, mararamdaman ang katamtaman hanggang mabigat na buhos na ulan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite at Batangas.

Iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Apektado rin ng pag-ulan sa bahagi ng Bulacan, Bulacan; Minalin at Apalit sa Pampanga.

Pinayuhan naman ng weather bureau ang mga maaapektuhang residente na maging maingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Read more...