Umabot sa 55 percent ang bilang ng mga Filipino na nananatiling positibo na mayroong makukuhang trabaho sa bansa, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Lumabas resulta ng survey na 55 percent ang optimistic o positibo habang 12 percent ang pessimitic o negatibo ang pananaw ukol sa job availability sa susunod na 12 buwan.
22 percent naman ang naniniwalang walang magiging pagbabago sa bilang ng mga trabaho at 11 percent ang walang ideya.
Dahil dito, naabot ng net optimists score ang “excellent” kumpara sa “very high” noong March 2019.
Tumaas kasi ang net optimists score sa +43 sa June 2019 kumpara sa +37 noong March 2019.
Samantala, lumabas din sa survey na nasa 9.8 milyong Pinoy ang wala pang trabaho sa ikalawang bahagi ng 2019.
Naitala ang adult joblessness rate na 20.7 percent. Mas mataas ng isang puntos kumpara sa 19.7 percent noong March 2019.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 na adult na may edad 18 pataas mula June 22 hanggang 26, 2019.