‘GCTA for sale’ sa BuCor, iimbestigahan ng DOJ

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Justice (DOJ) sa umano’y “Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale” sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang isyu sa ‘GCTA for sale’ ay magiging bahagi ng kanilang imbestigasyon sa BuCor.

Sisimulan aniya ito pagkatapos makumpleto ang mga guideline sa implementasyon ng probisyon sa ilalim ng Republic Act 10592.

Matatandaang isiniwalat ng testigong si Yolanda Camilon na nagbayad siya ng P50,000 sa ilang opisyal ng ahensiya kapalit ng pagkakalaya ng kaniyang mister.

Read more...