BuCor OIC, itinalaga na ni Sec. Guevarra

Nagtalaga na Si Justice Secretary Menardo Guevarra ng officer-in-charge sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ay matapos sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating BuCor chief Nicanor Faeldon sa pwesto noong Miyerkules ng gabi (September 4).

Sa inilabas na Department Order No. 468, inatasan ni Guevarra si BuCor Deputy Director General for Security and Operations Melvin Ramon Buenafe bilang officer-in-charge ng ahensya.

Tutukan nito ang National Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Nakasaad din sa kautusan na si Buenafe ang mag-aayos ng pang araw-araw na sistem ng BuCor.

Read more...