Korean singer Kang Daniel babalik sa bansa

Magbabalik-Pilipinas ang Korean singer na si Kang Daniel.

Sa Twitter, inanunsiyo ng Kconnect Entertainment na magkakaroon ng fan meeting si Kang para sa kaniyang mga Filipino fans.

Gaganapin ang fan meeting sa Maynila sa October 19, 2019.

Hindi pa naman nabanggit ng Kconnect Entertainment kung saan isasagawa ang fan meeting at kung kailan sisimulan ang pagbebenta ng mga ticket.

Maliban sa Pilipinas, bibisitahin din ni Kang ang kaniyang mga tagahanga sa Bangkok, Thailand; Kuala Lumpur, Malaysia; Taipei, Taiwan at sa Sydney, Australia.

Si Kang ay dating miyembro ng Korean group na Wanna One.

Read more...