Senator Dela Rosa dapat ding imbestigahan sa pagpapalaya ng mga bilanggo sa ilalim ng GCTA law – DILG

Sang-ayon si Interior Secretary Eduardo Año na isailalim din sa imbestigasyon ang mga nagdaang pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor) kabilang si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Ito ay ukol sa pagpapatupad ng Republic Act 1059 2 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Sa isang pahayag, sinabi ni Año na sa panahon ni Dela Rosa sa BuCor, mayroon din itong napalayang ibang preso.

Dahil dito, kailangan aniyang masuri kung nagkaroon ba ng paglabag o wala sa mga pinayagan nitong makalaya na convicted criminals.

Tiwala naman ang kalihim na maipagtatanggol ni Dela Rosa ang kaniyang sarili ukol sa usapin.

Naupo si Dela Rosa bilang BuCor chief noong buwan ng Abril hanggang Oktubre taong 2018 matapos magretiro sa Philippine National Police (PNP).

Read more...