LOOK: Ilang kalsada sasailalim sa repair at reblocking ngayong weekend

Itutuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang reblocking at repair nito sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Sisimulan ang reblocking at repair alas 11:00 ng gabi, Biyernes (Sept. 6) at tatagal hanggang alas 5:00 ng umaga ng September 9.

Kabilang sa apektado ang sumusunod na mga kalsada:

EDSA SOUTHBOUND:
• Bansalangin to North Avenue (U-Turn), 5th lane mula sa sidewalk
• Eugenio Lopez Drive to timog MRT Station
• Lagarian Creek to Arayat Cubao
• Magallanes – Baclaran Bus Stop to Magallanes – Alabang Bus Stop, outer lane

C5 SOUTHBOUND:
• Malapit sa Market Market
• Katipunan Avenue / C5 lagpas ng CP Garcia Street (truck lane)

TAGUIG SOUTHBOUND:
• harap ng Palar Village

EASTBOUND:
• Quirino Highway mula Salvia Street bago mamg-Belfast Road, inner lane
• Eliptical Road bago mag-Commonwealth Avenue, 3rd lane mula sa outer sidewalk

WESTBOUND
• General Luis Street mula sa Oriental Tin hanggang Rebisco

NORTHBOUND
• Bonifacio Avenue malapit sa J. Pineda Street, 1st lane mula sa sidewalk
• Batasan/San Mateo Road mula sa Sapphire Drive hanggang sa harap ng Petron, 2nd lane mula sa center island
• EDSA – Main Avenue hanggang P. Tuazon, 1st lane mula sa sidewalk

Payo ng DPWH at MMDA iwasan na lamang ang nasabing mga kalsada ngayong weekend para hindi maabala.

Read more...