Muling pagbuhay sa emergency powers para kay Pang. Duterte dahil sa traffic ikinokonsidera ng Kamara

Suportado ng Kamara ang lahat ng posibleng solusyon para maresolba ang problema sa traffic sa Metro Manila.

Ayon kay House Deputy Speaker Raneo Abu, seryosong ikinukonsidera ng liderato ni Speaker Alan Peter Cayetano ang hiling ni Transportation Sec. Arthur Tugade na mapagkalooban ng emergency powers si Pang. Duterte.

kung ang pagbibigay anya ng kinakailangang kapangyarihan sa Presidente ang sagot para mawakasan ang traffic crisis, dapat agad na itong aksyunan ng Kongreso.

Nauna nang inihain ng deputy speaker ang Proof-of-Parking Space Act, na layong obligahin ang mga bibili ng sasakyan na magprisinta muna ng patunay na meron itong permanenteng garahe o paradahan ng kabilang bibilhing sasakyan.

Sa budget briefing ng Department of Transportation sa Kamara kahapon, muling inihirit ni Tugade na mabigyan ng emergency powers si Pang. Duterte.

Paliwanag nito, bagama’t kayang solusyunan ang traffic hindi agad-agad na magagawa ito dahil sa mabagal na implementasyon ng mga programa at proyekto.

Read more...